Friday, March 10, 2006

Muling ibalik ang....

got this email from a batchmate


tingnan nyo kung makakarelate kayo ako nakarelate eh



GENERATION KO PALA TOH! HEHEHEHE



AT IT MADE ME SMILE.....KASI LAHAT YAN NAGAWA KO AT ALAM KO.


NAKAKATUWA KASI I REMEMBER MY CHILDHOOD TRY NYO PARA MAALALA NYO ANG KABATAAN NYO....


TINGNAN NYO KUNG KASALI KAYO SA GENERATION NA TOH!



TAKE TIME TO READ THIS ITS WORTH IT!!!!!!



"ang sarap alalahanin ng pagiging bata natin...nalungkot ako ng nabasa ko ito...malayo na ang itinakbo ng panahon...masuwerte tayo dahil naranasan natin ang ganitong yugto ng pagbabago!...


"Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga
unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa
ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga
artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang
panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa
ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di naman
old fashioned. Saktong-sakto lang!


Ito ang panahon natin.
Pero pano mo malalaman kung
kabilang ka sa henerasyong ito?
Narito ang listahan na makapagpapatunay if you're one of us. R U?




1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man,
Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung
ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog.
Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon
tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero
marathon.
* I love warching Mask rider Black... cute kasi si Kuya Robert hehehehehe...


2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending
lasang champoy)
* hahahahahahaha!! I know someone who dances to that tune... hahahahahahaha!!! alala ko pa ung commercial non... hahahahahaha!!



3. Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si
Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto
ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila
lumalaban sa final challenge na parang nakasakay
sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang
water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga
Pilipinas sila?)
*Oo nagtataka ako dti kung pno nla nggwa un... favorite nmen panoorin yan nla Lola...


4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na
uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106"
hanggang maubusan ka ng hininga.
*hahahahahahahaha!! Tita ko ung mahilig makininig non sa cool 106... hahahahahahaha!!


5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo,
Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123,
Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik,
Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong
nakakapagod.
*I love playing those games... hahahahahahahaha!! batang kalye ata ako non eh... lagi nsa lbas ng bhay nglalaro sa kalsada...



6. Pumunta ang mga tag! a- MILO sa skul niyo at
namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup
na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at
nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO
kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)
*hahahahahahahaha!! pti nga sustagen ngpupunta s skul eh... tpos kelangan mo mgdla ng empty packs ng sustagen pra plitan ng goodies...


7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na
naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na
puruntong na kahit Makita na ang dalawang bundok.)
Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at
kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang
"PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play
safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.
*hahahahahahahaha!! di ko ata to naabutan... pro lam ko ung punks not dead... hehehehehehehehe...


8. Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!"
na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.
*hahahahahaha!! lgi ko kinakanta yan pag uwian na... hahahahahahahahhaha!!

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.
*Tama yan!! kasi naman mas bata ako noong pinalabas ang batibot tpos medyo di na ko uto-uto nung may ATBP na hahahahahaha!!

10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game.
(hi-tech na yun noon)
*di nman ako nkipag-away non... tag isa kasi kme ng kapatid ko non ng brick game sa pagkakaalala ko...

11. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may
mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)
*text? yan b yung card na nilalaro? hehehehehehehe...

12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si
Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin
na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si
Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa
muscle.
*di ko kilala si ultimate warrior pro kilala ko si hulk hogan...

13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong
dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw
na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can't
Touch This.
*hahahahaha!! oo naaalala ko pa rin yung ice ice baby... tentenentenenen... hahahahahahaha!! at hanggang ngayon sinasayaw ko pa rin ang running man... bwahahahahahahaha!!

14. Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment
at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan
nagpapagandahan ng production numbers ang Monday
hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday
group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)
*di ko masyado maalala yung that's entertainment... pero lam ko nakakanood ako non minsan... ;p

15. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng
Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical
Depression, The Teeth, The Youth, After Image,
Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang
sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong
nakinig ka ng Siakol!)
*oo oo at oo nakikinig ako sa music nla lalo na sa eheads...

16. Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and second
generation)
*di ko cla masyado naaalala pro naabutan ko nman sila

17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong.
Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos
mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "Mighty
Kid"
*hahahahahhaha!! di ako nagkaroon ng ganong shoes... pro lam ko yung kptid ko ngkaroon ng ganon n shus dti...

18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga
larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng
pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay
si GI-JOE with alipores.
*di ako naglalaro ng GI-Joes pro nakapaglaro ako ng text, jolens, dampa, pti nga yung my goma nilalaro nmen eh...

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're
girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan,
doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari .
ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung
meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)
*lgi nga kme naglalaro non ng bahay-bahayan, teacher-teacheran at kung ano-ano pa... heheheheheheheheheh... ;p

20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may
walong tahi sa visor nito.
*hahahahahahahaha!! di ako mahilig sa cap kya di ko lam yan...

21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil
masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan
sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga
tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Landers a.k.a.
Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida
sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at
namatay pa ng maaga)
*hahahahaha!! favorite ko dti yang mga cartoons n yan... pti nga si julio at julia hahahahahahaha!!

22. Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"
*oo nman!! prang break muna... hahahahahahaha!! lgi ako ako nag time first pag naglalaro kme ng habulan hahahahahahaha!!

Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng Pilipinas
naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko.
Siguro'y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang
pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng
pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung
anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng
gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero
kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin ng
karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa
panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan.
Di ba?"

*** I consider myself lucky for being able to experience all of the things stated above. Feeling nostalgic nanaman ako... hmpf!! hahahahahahahaha!! Sometimes I wish I can turn back times when I was younger and free. Where I can see things as plain as they are, where I don't over analyze things, where life is simpler. Now looking back, I can see that I'm very lucky that I experienced those things and reading this really made me smile. Generation ko to!!

No comments: