8:00 a.m. Rush hour...
8:30 a.m. Siksikan
Lumagpas ng ng 1 second ang 8:30 super siksikan na yan.
Last monday late ako sa OJT. Sa pangatlong train na dumating pa ako nakasakay sa MRT... grabe talaga!! siksikan!! tapos pagdating sa may Cubao station grabe kulang na lang arena at refree subtukan na!! Wahahahaha!! Doon kasi ako sa dulo pumunta di don sa entrance bago ung sa may dulo. Eh di yun nga asa may Cubao station na kame... grabe and daming tao. Siksik kung siksik sila tapos eh halos wala nang space grabe biglang nagkaroon ng commotion!! Wahahahahahaha!! nagsigawan yung mga tao sa kasi nagkatulakan ata tpos eh di ang ingay ingay na kasi nga yung iba pang 6 train na nila yun tapos di pa rin sila nakasakay... Wahahahahahaha!! nag-aaway na nga yung iba tapos yung iba sigawan kung sigawan di may sumingit na Egnr. nung una binara pa siya nung isang pasahero tpos nung sinabi nya na Egnr. sya eh di tumahimik yung mga tao... Tapos explain explain sya tungkol sa capacity ng train at safety ng mga pasahero yun nagsitahimik din yung mga tao... Wahahahahahaha!! Iba talaga ang MRT!! Wahahahahahaha!!
Tuesday, May 09, 2006
Saturday, May 06, 2006
Pakikipagsapalaran sa MRT Part 1
Naramdaman mo na ba minsan sa iyong buhay ang pagnanais na sakalin ang isang taong malakinghadlang? Ako? Oo!! Araw-araw!! sa iba't ibang tao!! Oo!! kahit 'di ko sila kakilala gusto ko sila sakalin!! Sa araw-araw ba naman, sa dami-dami ng mga tao laging my mga naiiba na wala talaga sa isip nila yung ibang mga tao. Napansin niyo ba na my mga tao na parang 'statue'? Oo!! Statue. Yung tipong nakatayo lang walang pakialam kahit nakaharang sila sa daanan... Para sa mga taong sumasakay ng MRT na umaabot hanggang Taft pansinin nyo pagdating s Buendia station na kung saan ay marami na ang bumababa at susunod na ang Ayala Station ay may mga tao pa ing nakatayo. My mga nakawak sa sefety hand rails, s post at yung iba eh feeling reyna ng balance eh nakatayo lang s ginta, nakaharang sa pintuan. Ayan Ayala Station na... syempre sobrang dami din ang bumababa sa station na yon. Pansinin niyo laging may pasaway na ang sarap hilaiin ng buhok at sakalin kasi nakaharang sa daanan. Walang pakielam. Yun yung tamang words para i-describe yung mga tao na yun. Grabe ang sarap nila itulak palabas ng pintuan. Pano kami makakalabas kung nakaharang siya sa gitna ng daanan? Hay!! grabe talaga napaka-insensitive sa ibang tao!! Kung yung mga taong ganon kaya eh harangan ko din tignan ko lang kung di sila maasar...
Tuesday, May 02, 2006
MRT
Abangan ang mga kagilagilalas na pakikipag sapalaran ni Len-Len sa pagsakay sa MRT araw-araw, sa pagsusumukap na makarating sa OJT niya ng maaga at umiwas sa traffic ng rush hour...
ABANGAN...
Subscribe to:
Posts (Atom)