Saturday, May 06, 2006
Pakikipagsapalaran sa MRT Part 1
Naramdaman mo na ba minsan sa iyong buhay ang pagnanais na sakalin ang isang taong malakinghadlang? Ako? Oo!! Araw-araw!! sa iba't ibang tao!! Oo!! kahit 'di ko sila kakilala gusto ko sila sakalin!! Sa araw-araw ba naman, sa dami-dami ng mga tao laging my mga naiiba na wala talaga sa isip nila yung ibang mga tao. Napansin niyo ba na my mga tao na parang 'statue'? Oo!! Statue. Yung tipong nakatayo lang walang pakialam kahit nakaharang sila sa daanan... Para sa mga taong sumasakay ng MRT na umaabot hanggang Taft pansinin nyo pagdating s Buendia station na kung saan ay marami na ang bumababa at susunod na ang Ayala Station ay may mga tao pa ing nakatayo. My mga nakawak sa sefety hand rails, s post at yung iba eh feeling reyna ng balance eh nakatayo lang s ginta, nakaharang sa pintuan. Ayan Ayala Station na... syempre sobrang dami din ang bumababa sa station na yon. Pansinin niyo laging may pasaway na ang sarap hilaiin ng buhok at sakalin kasi nakaharang sa daanan. Walang pakielam. Yun yung tamang words para i-describe yung mga tao na yun. Grabe ang sarap nila itulak palabas ng pintuan. Pano kami makakalabas kung nakaharang siya sa gitna ng daanan? Hay!! grabe talaga napaka-insensitive sa ibang tao!! Kung yung mga taong ganon kaya eh harangan ko din tignan ko lang kung di sila maasar...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment