Wednesday, October 24, 2007

Ako ay filipino

Grrr!! Eto ha napapansin niyo ba na tuwing may iniinterview sa isang lalaki/artist o sino mang sikat foreigner, eh laging may nagtatanong galing sa press people na "how do you find filipino women?" Pag naririnig ko yung tanong na yun umuusok talaga ang tenga ko at naniningkit ang mata ko sa asar. Bakit? Hindi ba parang were selling the filipino women pag ganoon? Tapos galit na galit tayo pag may site na tungkol sa mga mail order bride na mga filipina o kung ano man na derogatory tungkol mga filipinos. Tingin ko talaga walang dapat nagtatanong nun eh, kahit na walang intensyon na masama pag inisip mo ng mabuti yung tanong parang may ibang implication eh. Parang nagbebenta ka ng ano. Hmpf!! Kaya sana wala ng magtanong ng ganoon. At kung wala silang maisip na ibang tanong, wag na lang sila magtanong.

No comments: