Huy miss kita. Minsan naaalala kita. Naiisip ko nga minan na sana joke lang ang lahat o kaya masamang panaginip.Na one day magigiing ako at nandyan ka pa din. Kasama namin mag mall, manood ng sine, videoke o kaya tumambay at magkwentuhan nkatulad ng dati. Sana lagi pa din tayo nagpapapicture at buo pa din tayo.
Nasabi ko ba sayo na love kita kahit lagi tayo nag aaway? uyyy... minsan lang ako magabi niyan kaya pakakatandaan mo tong post na to. Namimiss kita sobra. Sana naiiyak ko na ang lahat pero alam ko na hindi pa din. Biruin mo almost 4 years din ako in denial? Minsan may times na alam ko na wala ka na pero ayaw tanggapin ng puso ko. Naiiyak na nga ako habang ssinusulat ito eh. Alam mo naman na matagal ko na balak gawin to pero I'm not strong enough na ituloy to. Sana nandito ka. Alam mo ba si Glai na meet na si Ryan? Naabutan mo ba yun? Ayun nag-away daw sila ngayon kaya madrama ang status sa YM. Si Ariane naman graduate na din. Magexam na siya para makakuka ng lisensya sa pagtuturo. Si Zon bumalik na sa family niya at may bago ng bf. Member pa siya ng choir sa simbahan nila. Di na nga pala sila nakatira dun sa bahay nila sa Timog malapit na sila sa Cubao ngayon. Si Jaymie dalaga na huhuhu... di ako makapaniwala ang laki na niya at graduating na siya. Si Mellannie naman nagwowork na sa Smart. Ganoon pa din siya... super bait at huwarang ate. Minsan-minsan na lang kami magkita ngayon. Di kasi swak mga sched namin eh. Super demanding pa work ko, busy lahat ng tao. Sana kung nandito ka mas madami ang nakukulit ko na tao.
Sana kahit lagi tayo nag-aaway dati eh nafeel mo man lang na isa ka a mga tao na nagpasaya sa HS life ko. Kayong lahat nila Mel, Ariane, Zon, Glai at Jaymie. Kaya minsan gusto ko na HS ulit tayo... para nandun ka at les complicated ang buhay. Assignments, test projects ang madalas na problema. May naalala ako... remember mag 2nd year tayo nun tapos tumawag ka sa bahay para sabihin na a Bicol ka na mag-aaral? Haha!! muntik na ko umiyak nun! Ikaw talaga! ;p At ang dami na palang nagbago!! Yung SM North ibang-iba na!! May Trinoma na din a tapat. Parang di mo pa alam mga kwento ko ah. Alam ko na kung naaan ka man eh nakikita mo lahat ng nangyayari dito.
Pero alam mo may times na naiiyak ako. May times na feeling ko numb ako. At hindi ko talaga mailabas yung hurt na nafifeek ko kasi wala ka na. Ayan! Naiiyak na naman ako. Last hristmas get-together namin eh naiyak ako. Sana sa mga ganitong bagay eh maiyak naman ako. Kasi alam mo naman proud ako na tao. Di basta-bata naiiyak sa mga bagay na nangyayari a akin. Pero pag dating sa mga palaba ayun naiiyak ako agad o kaya may ibang umiiyak. Pero lately lagi ko na lang feel na umiyak dahil a work. Naikwento ko na ba sayo work ko? Hay naku!! ayaw ko na!! pero baka nasasabi ko lang yun kasi pressured ako. Help me ah. Alam ko close kayo ni God at na sa pangangalaga ka na niya. I-hi mo din ako kay St. Jude. Pasabo sorry at di ko na siya nabisita a church niya at nakakapagdaal sa kanya. Basta be happy always ha. Thank you sa lahat-lahat. Miss ka namin... pero wag mo ako tatakutin ah... Alam mo naman matatakutin ako. Sorry din a lahat ng heartache na binigay ko sayo. Alam ko umakit ulo mo sa akin. Basta mahal ka naming lahat. Kahit wala ako maibibigay sayong cake... Happy Birthday! muntikan ko pa makalimutan di ba? sorry... ;p Happy birthday ulit!!
No comments:
Post a Comment