Bakit habang tumatanda mga tao lalong nagiging komplikado ang buhay? Nung mas bata pa ako ang tingin ko ang komplikado ng buhay ng isang bata. Ngayon naman naisip ko na ang simple lang pala ng buhay dati.
Dati masaya na ako pag may limang piso ako. Ang dami ko ng mabibili sa limang piso. Ngayon, kulang pa ang limang piso para pamasahe sa jeep. Di ko masyado naisip nung bata ako na mahirap makakuha ng pera. Hihingi lang ako kila mama o lola may pera na ako. Samantala ngayon di na ako makahingi ng pera sa kanila. Sila na ang kailangang bigyan ng pera. Kung alam ko lang nung bata ako na di pala ganun kadali magkapera sana dati pa naisipan ko na mag ipon at magtipid.
Sa panahon ngayon pera talaga ang nag papaikot ng mundo. Kung wala kang pera magugtom ka, di ka din makakapag-aral sa magandang eskwelahan, walang pangtustos sa pangaraw-araw na pangangailangan atbp. Sabi nga nila ang may pera nag iisip kung paano pa magkakapera at ang walang pera naman ay nag iisip kung paano gagastusin ang pera. Nakakatawa pero totoo.
Sa totoo lang naiinis ako dahil pinakumplika ng pera ng buhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
i need cash!!!ASAP!!!!hahah!
Post a Comment